Follow me!

FOLLOW ME!

Twitter: @paolocapino

Thursday, September 15, 2016

PWD Powee

 


When you are confronted with something inevitable, you just have to accept it with an open heart and trust that God will lead you to a better future

Twenty seven years ago, my life was given a second chance after the veins and arteries on my spine snapped, well at least that's what the doctors told me. During that time, I had to learn to walk again as I have been lying on my back for six months following a 16-hour microscopic operation. 

Everything went fine after that. I was able to go to school and live a normal life into adulthood. I was even given the opportunity to be a field reporter and found my calling as a writer in the process.

This year though, I felt something familiar. I have flashbacks of the numbness that I had when I was six when I was completely paralyzed. I can still be active now but I cannot be certain on how long it would be. 

I feel weaker. I'm on a mandatory 3-week bed rest and if it weren't for my Playstation 4 and my subscriptions to Iflix and Netflix, I would be focusing on my infirmity.

Before my dad passed away, he kept saying that the factory defects in our body come out once we get older. Mine was delicate to start with and whatever is keeping my body parts together is probably detaching itself slowly and painfully to add to that.

I get exhausted after traveling for an hour now. I sleep earlier than usual and wake up at 4 or 430 in the morning. I feel like my physical being is betraying me but my spirit keeps telling me to move forward no matter what.

Ten years from now, I'm not sure if I'll be walking or if I'll be carted off in a wheelchair. 

But that's the beauty of it. I can manage what I do instead and not regret that I haven't done this or that or curse at the heavens for taking it all from me in just one instance.

It is odd that I am the actor, producer, and lone spectator of my deterioration. The optimist in me looks at it in a way where I can prepare for destiny. Not many are given a chance to do so.

I am now part of a vulnerable sector in society where more privilege should be afforded to not because of vanity, but because of necessity.

While I can still be mobile, while I can still go wherever I want to, I have to maximize my time and effort so that people like me are not deprived of certain rights that have been granted to us by the state.

Everyone will become weak either by accident or through time, I may have went ahead because of a higher purpose.

Hopefully, I can find it so that my brothers and sisters who cannot walk, cannot talk, or even cannot think properly, will still be a functional member of our society.

I am a Person With Disability and there is nothing to be afraid of or a need to be sorry for me. I also believe that every Filipino PWD, together with their family and loved ones, could have the strength to be productive in their household and community.

Friday, April 8, 2016

The Duterte Supporters I Know



To say that Duterte Supporters are passionate is an understatement. I deal with them on a daily basis and in the nine years that I have been in and out of politics, I have never seen this fiery bunch of volunteers who would just about do anything for their candidate.

Everywhere I go, I meet these individuals who are genuine volunteers and supporters of Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

It's not hard to point them out.

They are the ones who would set up silk screen shops so that ordinary people can have their shirts printed with various designs for free.

They are also the ones who would usually hand me mineral water bottles without asking for any sort of payment.  Covering the City Mayor and his Vice Presidential candidate is not a walk in the park and squeezing myself through thousands of people eagerly awaiting for their speeches is a tough job. But the supporters and volunteers are there to make it all worthwhile.

There are also those supporters who I would talk to in between motorcade breaks and discuss our intentions on why we support Mayor Digong. None of them dream of getting something after the elections except for the peace and security that the Duterte-Cayetano tandem have promised. We also discuss our candidates' platforms on providing jobs and how much we all aspire to live in a country free from corruption.

It is also not difficult to identify Duterte supporters during political rallies. They are the ones who would patiently wait for Mayor Duterte for hours under a scorching summer sun so that they could hear what he has to offer the country.



They are also the people who would customize their own signs or tarpaulins so that they could let everyone know that they support Mayor Digong.  As far as demeanor, they are the ones who would share a smile, laugh, and an occasional high five during funny moments.



It's amusing how other camps have demonized the supporters and volunteers. Their descriptions are far from the generous people I have met and known since January.

As much as we want them to focus on their own campaigns, it will persist and given how our candidate is challenging the established norms, it is only normal that they will make an effort to break your spirits and label you as "Dutertetards". They will try to make people believe that being a supporter entails suppression of morals and principles.

These viral posts against the supporters could be a propaganda tool to push their candidates on higher moral ground. After all, fake Duterte supporter accounts can come from them too.

While it is advisable to choose the words to express with those who do not agree with supporting Mayor Duterte, all of us should continue to carry the courage to voice out our desire for real change.

The moment we become silent is the moment we submit ourselves to a system of social chaos that has been present for the past 20-30 years.




Monday, November 9, 2015

Ang 16 Na Bagay Na Natutunan Ko Sa 90s Action Film





16) Lahat ng laban sa dulo ng pelikula dapat nasa isang warehouse, abandoned building o shipyard

15) Ang mga gangster dapat may swimming pool na may mga naka bikini na chicks na tumatambay

14) Huwag nag-uuwi ng pancit kasi siguradong may kasunod na mag a-ambush na mga gangster na nakasakay sa owner-type na jeepney

13) Kaya pala ng isang kamay ang bumaril ng armalite. Kaya pala ng tig-isang kamay ang bumaril ng 2 armalite

12) Halos lahat ng baril noon may rocket launcher na kasama

11) Kung magbabakbakan sa kalye, kailangan lumang sasakyan na walang aircon tapos dapat may truck o construction para pag magbabarilan o banggaan dun idri drive ng kalaban para mag slow motion na iikot sa ere tapos pag bagsak gugulong pa yung kotse

10) Pagkabagsak ng sasakyan mula sa slow motion, kung kontrabida ka na extra lang, sasabog agad sasakyan mo. Kung medyo importante ka na kontrabida, maiipit ka naman sa loob at duguan tapos siguradong may leak ng gasolina yung sasakyan mo. Kung kakausapin ka ng kontrabida, babatuhan ka ng posporo ng bida para sumabog. Kung walang usap, babarilin lang yung gasolina para mag spark tapos sasabog din

9) Pag ikaw naman ang bida, makakatakas ka kahit 50 na bumabaril sa kotse mo na nakatihaya at magsisilbi pa itong shield sa mga bala para makatakbo ka sa mga damuhang lugar o sa ilog na tatalunan mo

8) Ang mga pulis noon laging late

7) Lahat ng mababait na pulis noon may puting bandana o maliit na twalya na naka lagay sa ulo

6) Kaya patayin ng isang bida ang 100 kontrabida

5) Ang mga asset ng pulis usually mga takatak boys na nagbebenta ng sigarilyo o candy

4) Pag binabaril ang nga kontrabida na hindi kalakihan ang role kailangan acrobatic ang pagkamatay, yung tipong umiikot o nagso somersault sabay magkokombulsyon ng saglit

3) Ang mga leading lady pakipot sa una tapos maiinlove din pala pero susubukan nila baguhin ang pagkatao nung sanggano

2) Ang mga bidang lalake lagi dapat pumupunta sa nightclub kasi usually makikipag basag ulo dun 


1)  Madaming satsat pa bago mag patayan ang pinaka kontrabida at ang main character. Tapos yung pinaka memorable line, konektado dapat sa title ng pelikula


May madadagdag ka pa ba? Sulat mo lang sa comment box :) 

Sunday, September 20, 2015

The Last Love Letter (Chapter 5)




WANGWANGWANG

Kumakaripas ng takbo ang ambulansyang magdadala kay Rich sa ospital.

Nahirapan pa ang sasakyan dahil dumaan pa ito sa mga kalsada kung saan may mga bloke ng semento at mga bakal na galing sa mga gusali na pinasabugan ng bomba mula sa fighter jets ng China.

WANGWANGWANG

Maraming trak ng militar ang nasa kalsada ngayon at naghahanda sa pagdepensa sa mga siyudad kung saan kani-kanina lang ay nakatikim ng hagupit sa unang bugso nang paglusob ng People's Liberation Army.

Biglang nagising si Rich at humawak sa kamay ng military doctor na nagulat nang biglang nagkamalay ang binata

"Si Tito Greg at Tita Milky po?," tanong ni Rich sa doktor

"Sino? Ah yung kasama mo sa bahay? Andun sa likod, naka convoy. Pahinga ka muna bata, malapit na tayo sa V Luna Hospital. Sisilipin lang namin kung may shrapnel na pumasok sa katawan mo at nahimatay ka"

Pumikit ulit si Rich at nawalan ulit ng malay.

Matapos ang isang oras naramdaman ni Rich ang malamig na kamay ng kaniyang Tita Milky at ginigising na siya .

"Tita, nasaan na po tayo? Kumusta na po kaya sila Mama at Papa?"

"Ok naman siya pamangkin, magpahinga ka na. Papunta na tayo Bicol," sagot ng kaniyang Tita.

"Tita, dala niyo po ba yung school bag ko? May kukunin lang po ako."

 Inabot ni Tita Milky ang bag.

Umupo si Rich kahit hilong-hilo.

Hinanap ang notebook. Nagsulat.

Si Tito Greg ang nagmamaneho at tumigil sa isang gasolinahan sa bandang Quezon.

Puro trak ng militar ang nakatigil at mga sundalong papuntang Maynila ang nagpapahinga.

Lumabas si Tito Greg ng kotse at may kinausap. Maya-maya lamang may isang sundalong lumapit at inabot ang communications radio.

Busy sa pagsusulat si Rich sa kaniyang notebook.

Nasaan ka na kaya Linda?
Sana sa ating pagkakalayo, hindi mo napapanaginipan ang mga pagsasayaw ng araw at buwan
Sana habang ikaw ay kumukumpas ng iyong mga obra, hindi mo nakakalimutan ang pangunahing paksa na iyong linalathala
Sana habang hindi ko mahawakan ang iyong mga kamay, hindi mo din ito inaalay
Habang ang mga buhangin ay hinahalikan ang maalat na tubig ng karagatan
Sana hindi pagtaksilan ang ating pagmamahalan

Sumandal si Rich at itutuloy sana ang kaniyang liham pero napansin nito na may dugong tumutulo sa kaniyang notebook

"Rich, rich, may kakausap sa iyo."

Papikit na sana si Rich pero nang marinig ang boses ng kaniyang Tito Greg, tumingin sa kaliwa

Tinapat ni Tito Greg ang radyo mula sa sundalo.

"Ricardo, anak ko, papa mo ito..."


END OF CHAPTER 5

CHAPTER 1

CHAPTER 2

CHAPTER 3 

CHAPTER 4

CHAPTER 6 sa October 11 

Wednesday, September 16, 2015

A Perspective on the Heneral Luna Movie (Not a Movie Review)



Photo from: http://kahimyang.info/kauswagan/articles/831/today-in-philippine-history-december-18-1856-graciano-lopez-jaena-was-born-in-jaro-iloilo

Alas Kwatro y Medya Ng Umaga ako nagising ngayong araw at nababagabag pa sa obra na aking napanood nitong nakalipas na gabi lamang.

Heneral Luna, isa itong pelikulang nagpukaw ng aking damdamin at kamalayan dahil pinag-isip nito ako kung mahal ko talaga ang aking bayan at handa ko ba isuko ang aking buhay.

Ngunit hindi naman ako marunong humawak ng sandata. Baka nga pag ako ay nasa giyera, nyerbyosin pa ako at atakehin sa puso. Parang tuwing New Year lang at tuwing may nagpapaputok ng Sinturo ni Hudas, naluluha ang aking mga mata hindi lang sa usok kundi pati na rin di kaya ng aking tainga ang malalakas na pagsabog.

Noong huli nga ako nagpunta sa isang disco, halos masira tenga ko sa lakas ng tugs-tugs na aking narinig. Doon na rin ako nagsabi sa aking sarili, putcha matanda na ako at di na bagay sa akin ang mga ganitong lakad.

Teka, ako'y lumalayo na sa aking gusto sabihin. Marahil, nagtataka rin kayo kung bakit hindi si Antonio Luna ang nasa itaas na bahagi.

Pero bigyan niyo pa ako ng kaunting pasensya at ikwe ikwento ko muna ang aking section noong ako'y nasa ika-anim na baitang. 6-Lopez Jaena, yan ang aking section sa aking pamantasan noong ako ay labing-tatlong taong gulang.

Bilang takdang aralin noon, pinag saliksik kami kung sino ba si Lopez Jaena at bakit siya naging mahalaga sa kasaysayan ng Pilipinas.  Para hindi na humaba ang blog na ito, paki-google na lang o pindutin ang link sa larawan ni idol sa taas.

Let me speak the tongue of our colonizer for a while and remind everyone that Lopez Jaena together with Jose Rizal and Marcelo del Pilar was among the founding fathers of La Solidaridad. If you are all too preoccupied (like me) with watching Aldub and collectively scratching our heads about what that Pastillas Girl bit on Showtime is all about, allow me again to tell you that this publication had a few circulation at that time but was disturbing to the ruling elite.

Those who were able to grab hold of La Solidaridad were so frightened as it might influence Filipinos to revolt against Spanish authorities. And it did.

By the way, Antonio Luna was also one of its writers and used the pen name Tag Ilog (Read Link 1 and Link 2)

Why am I biased towards Lopez Jaena?  Because foremost, he was a journalist and a writer rather than a warrior. He was the subject of the Spanish' authorities ire especially after the publication of Ang Fray Botod and La Hija Del Fraile.

In any conflict, those who have the ability to manipulate opinion through propaganda justifies the causes and outcomes of war and even death. Even in previous historical movies, other figures were portrayed as antagonists. This is why I hated El Presidente as Andres Bonifacio was demonized in that particular film.

Heneral Luna isn't all like that. There were no "bidas" or "kontrabidas". Yes, General Antonio Luna was the main character and those who opposed his principles were labeled as traitors. However, if you were closely following the film, everyone expressed that they loved our motherland and all those who had conflicts with the feisty war commander, had a right to do so.

"Sino nga ba ang mahal mo, ang bayan o ang sarili?"

This is one of the questions posed at the onset of the film. I believe Lopez Jaena is one of these great men who was able to answer this quandary and show his love for our country. He did not live to see the declaration of Philippine Independence. I'm not sure if he wanted to separate from Spain, but he disliked oppression and turned to his pen to express his disgust.

Luna was quite the same. He had to act in a certain way because he thought it was the best way to defeat our enemies and achieve peace. And frankly, all the other characters in the movie did the same.

Kaya naman nang matapos ang pelikula, marami sa aming nanood ay pumalakpak. Tumaas ang aking paghanga sa mga artista na sina John Arcilla, Epi Quizon, Joem Bascon, Archie Alemania, Alvin Anson, Alex Medina, Paolo Avelino, Arron Villaflor, at Arthur Acuña. Lahat ng gumanap ay aking kakamayan pag sila ay nakita ko. Ketchup Eusebio, ang iyong pagpatay kay Heneral Luna ay isang napakagandang eksena at naramdaman ko ang iyong galit dahil sa pagpapahiya sa iyo; briliant acting and I hope you get an award for that. At Mon Confiado, pag nakita ko ikaw, hindi lang kita kakamayan, magpapa picture pa ako dahil ikaw ang paborito kong Aguinaldo. Ang karakter mo ay hindi ko kinamuhian sa dahilan na hindi ko maipaliwanag. Siguro dahil ito sa pagdala mo ng iyong karakter at walang angas tulad ng pagkainis ko kay George Estregan.

Basta ang galing niyo lahat at siyempre, napakaganda pa rin ni Mylene Dizon.

Teka, balik na nga ako sa aking punto.

Noong paglabas ko sa sinehan at naglalakad palabas ng mall, bigla ko naitanong sa aking sarili, handa na ba ako mamatay para sa Pilipinas?

Tapos lumingon ako sa kaliwa at nakita ko ang mga batang nasa grade school o high school pa lang ata na naglalampungan at nagyayakapan sa sahig. Parang gusto ko pingutin ang mga tenga o magdala ng patpat na pampalo ng mga ito at sabihin gamit ang boses ni Babalu "Uuy, mag-aral nga muna kayo at late na wala pa kayo sa mga bahay niyo."

Nakakainit ulo ang mga ganyan lalo na nasa moment ako ng pagiging makabayan.

Nang maibalik ko na ang aking kamalayan at ako ay pauwi na, sinusubukan ko sagutin ang tanong at ang aral ng pelikula para sa panahon ngayon.

Sinabi ko sa sarili ko, hindi naman ako maaring maging Antonio Luna dahil wala naman ako kakakayahan sa digmaan. Hindi naman ako si Aguinaldo dahil sa kasalukuyang estado ng ating demokrasya, ang mga mayayaman o korap lang ang pwedeng maging lider ng bansa. Sino kaya sa ating mga bayani ang maari kong maging batayan para maihambing ko ang sarili at masabing mahal ko ang Pilipinas.

Doon ko naalala ang pagiging grade six. Doon ko naalala si Graciano Lopez Jaena. Doon ko naalala na maari kong i-alay ang aking aking buhay sa pamamagitan ng pagsusulat at pagbigkas ng salita.

At dito ko masasabi sa inyo at sa aking sarili na:

Hindi lahat ng namamatay para sa bayan, sandata ang hinawakan. 

Sunday, September 13, 2015

The Last Love Letter (Chapter 4)






VROOM VROOM

"Huwag ganyan ang tapak sa gasolina kapag nakalagay sa Park ang gear Linda,"

Natawa si Linda at nakalimutan niyang ilagay sa Drive. "Kaya pala di tayo umaandar babe," lingon ni Linda at sabay halik sa kanyang asawa.

"Hindi ka na nagbago, makakalimutin ka pa rin!"

Naka isang ikot din si Linda sa kanilang subdivision bago ipinarada ang kotse sa garahe.

Walong taon na rin mula ng lumagda ang People's Republic of China at Republika ng Pilipinas sa isang usaping pangkapayapaan.

Naalala pa ni Linda ang mga fighter jets, mga tangke, at mga patay na katawan ng mga kaibigan noong unang pag-atake ng People's Liberation Army sa kalupaan.

Tahimik na ang bansa at unti-unti nang bumabalik sa dati ang mga nasirang buhay at gusali dahil sa digmaan.

Hinawakan ni Linda ang kamay ng asawa at pumasok na sa bahay.

Noong gabing iyon, binunot ni Linda ang kanyang cellphone at tinabi sa nightstand na katabi ng kanilang kama.

Tumingin sa kaniyang asawa at tinanong sa kaniya "Ok lang ba talaga?"

"Oo naman, simula nung naging tayo, lagi mo na lang ako tinatanong. Naiintindihan ko kasi mahal kita."

Hinalikan ni Linda ang lalake na tumalikod para matulog na.

Tumulo ang luha ni Linda at nag text

"Nasaan ka na? Miss na kita"

Pitong taon nang hindi nakakakuha si Linda ng text o tawag mula kay Rich.

Simula noong nagbabakan ang China at mga sundalong Pilipino noong 2015 at tumagal hanggang 2017, hindi na nagkaroon ng kahit anong uri ng komunikasyon si Linda sa kaniyang pinakamamahal.

"May asawa na rin kaya siya?"
"Bakit di man lang niya ako hinanap?"
"Nangako siya na hahanapin niya ako"

Ito ang mga tumatakbo sa isip ni Linda sa nakalipas na walong taon.

Nakilala ni Linda si Gary noong 2018 sa bomb shelter kung saan sila tumira habang nagkaroon ng mga paglusob sa Maynila.

Simula pa lang, sinabi na ni Linda na hindi maaring mawala si Rich sa kaniyang damdamin. Hindi naman nawalan ng loob si Gary at sinabing nauunawaan niya.

"Mas mahalaga na ako ang hahawak ng iyong damdamin habang ito ay may sugat"

Nang narinig ni Linda ang mga salitang ito, nahulog na rin ang loob niya at nag desisyon na gawing kasintahan si Gary. Matapos ang limang taon, nagpakasal sila.

Sa pitong taon ng kanilang relasyon, walang araw na pinalagpas si Linda para i-text si Rich kung nasaan na siya. Minsan si Gary rin ang nagpapaalala kasi alam niya na nasasaktan si Linda kapag tinitiis nito na huwag na mag text.

Sinubukan na rin ni Linda tawagan si Rich pero nagri-ring lang ito.

Tiningnan ni Linda si Gary at hinarap ang katawan para yakapin at halikan.

"Last na ito babe tapos okay na ako," sabi ni Linda sa asawa.

Kalahating mata ang nakabukas kay Gary at tumungo na lang.

Tumalikod ulit si Gary at bumalik sa dating pwesto.

Bago linapag ni Linda ang cellphone, nag text ito sa number ni Rich

Huling Paalam ko na ito sa mga kulog at kidlat
Kinandado na ang mga bakal sa rehas na aking kinalalagyan
Labing-isang patak ng ulan na ang bumuhos sa aking mga sanga
Ang di ka masilayan sa tuwing ako ay gumagapang ay di ko na kakayanin
Sa wastong araw marahil ang ating pagtatagpo
At kahit ayoko man aminin, ang puso ko ay sa iyo pa rin
Kung alam mo lang na mahal pa rin kita, baka may mag-iba sa ating dalawa

VROOOOOOOOOOM

May sasakyan na dumaan sa labas at narinig sa bintana

Binaba na ang cellphone sa kaniyang tabi

Pinatay ang ilaw

Tumunog ang cellphone ni Linda

Binasa ang text

"Puede ka ba pumunta ng Bicol?"

END OF CHAPTER 4

CHAPTER 1

CHAPTER 2

CHAPTER 3 

CHAPTER 5

*Ang mga karakter sa blog na ito ay pawang kathang isip lamang

Sunday, August 30, 2015

The Last Love Letter (Chapter 3)






KABOOM

Isang pagsabog ang narinig sa football field ng St Samuel Science High School. Natanaw ni Rich ang usok at apoy at nakita ang mga eroplano na nagbabagsak ng mga bomba.

Nagbukas ng radyo ang teacher na nasa ilalim din ng mesa

"Limang Q-5 Fantan at tatlong Su-27 Flanker ang namataan ngayon ng Philippine Air Force na umiikot sa Maynila at naghuhulog ng bomba. Pinapayuhan po ang lahat na pumunta sa isang ligtas na lugar. Magbubukas rin po ang ating pamahalaan ng bomb shelter simula mamayang gabi para maari pong doon na lang muna tayo habang hinahanap ang mga fighter jets ng China"

May dalawa nanaman bumagsak na bomba at nasabugan pa ang katabing building sa classroom ni Rich.

Tumingin si Rich sa direksyon ni Linda na umiiyak at natatakot. Dahil sa bugso ng damdamin, biglang tumakbo si Rich sa pwesto ni Linda. Yinakap niya ito at mahigpit ding yumakap ang dalaga.

Umiiyak si Linda at kahit ninenerbyos si Rich, hindi niya pinakita at pinaramdam na natatakot siya dahil gusto niya tumibay ang loob ni Linda habang nagkakaroon pa ng gulo sa labas ng kanilang mga silid.

"Dito ka lang Ricardo Marquez, huwag mo ako iiwan please," bulong ni Linda kay Rich

"Pangako yan, hindi kita iiwan," sagot ni Rich kay Linda

Matapos ang 20 minuto, tumigil na ang putukan.

Lumipas na rin ang 10 minuto, huminto na rin lahat ng sirena.

Nakayakap si Rich kay Linda. "Aalagaan mo sarili mo Linda. Pag tayo ay nagkahiwalay matapos nito, pangako ko hahanapin kita."

Basang-basa ang mga mata ni Linda dahil sa luha at hinigpitan pa ang pagkahawak sa binata.

Naramdaman ni Linda ang labi ni Rich at nabigkas na "Rich, hanapin mo ako pag okay na ang lahat. Hihintayin kita."

Umalingawngaw na ang mga sirena ng ambulansiya, truck ng bumbero, at mga pulis sa lahat ng dako. Putol na ang kuryente.

Maya-maya lamang dumating na ang Philippine Army at tumatakbo patungo sa mga classroom. May dala-dalang stretcher at kung anu-ano pang emergency equipment para tingnan ang mga nasaktan. Karamihan sa mga sundalo tumakbo patungo sa building na pinasabog.

Sampung truck na naka paskil ang logo ng Armed Forces of the Philippines 201st Infantry Battalion ang nakaparada na sa driveway at katabi ang mga ambulansiya at mga truck ng bumbero.

Naalala ni Rich ang kaniyang bag. Tumayo at hinawakan ang kamay ni Linda.

Sabay sila tumakbo sa mesa ni Rich. Hinanap ang notebook. Nakapkap at binunot.

"Ibibigay ko sa iyo i----"

Hindi na natapos ni Rich ang kaniyang sasabihin dahil pagkadating ng mga sundalo, dali-dali sila hinila lahat sa labas. Walang malay ang kanilang teacher at parang nahimatay at sinakay sa stretcher.

Tumatakbo ang lahat pero hawak pa rin ni Rich ang kamay ni Linda.

Pasakay na sana ng Army truck si Rich at Linda ng biglang sinigaw ni Tito Greg ang pangalan ni Rich.

Yinakap ni Tito Greg si Rich pati na rin si Tita Milky.

Dumating naman ang mga magulang ni Linda at kinuha ang dalaga.

"Misis Magsanoc, ako po si Rich Marquez. Alagaan niyo po si Linda, hahanapin ko po kayo pag tapos na ang gulo"

Hindi na sumagot ang mga magulang ni Linda.

Hinila na ang anak at nagpiglasan ang mga daliring kinapitan ng kanilang mga kamay.

Tumakbo papunta sa isang bakanteng lote kung saan nakaparada ang sasakyan ng mga Magsanoc.

Pinasakay na rin ni Tito Greg si Rich at umalis na pauwi ng kanilang bahay.

Pagdating ng bahay, biglang nagsalita si Tito Greg.

"Sa loob ng dalawang oras, aalis tayo sa bahay na ito. Hindi tayo ligtas dito. Pupunta tayo Bicol, doon muna tayo"

Umakyat ng hagdan si Rich at kinuha ang maleta. Napaupo sa sahig at sumandal sa dingding.

Umiyak ng malakas at napahagulhol. Ngayon lang niya naranasan makakita ng maraming bangkay at halos nabingi ang mga tainga dahil sa bomba.

Linabas ang notebook na naglalaman ng mga liham para kay Linda at sinubukan magsulat. Nanginging pa ang mga kamay at linagay ang kaniyang nararamdaman.

Sa ating paglalakbay sa mga tala ng kawalan
Nananaginip ako na ika'y muling mahagkan
Sa hilaga, kanluran, timog, at silangan ikaw ay hahanapin
Para maibahagi sa mundo ang kuwento ng pag-ibig na para lang sa atin

Nawalan ng malay si Rich at bumagsak ang katawan sa sahig

KABOOM

Pinasok ni Tito Greg at Tita Milky ang kuwarto ni Rich at nakitang nakahiga na lang ang bata

"Riiiiiicchhhh.."

END OF CHAPTER 3


CHAPTER 1

CHAPTER 2

CHAPTER 4

CHAPTER 5

*Ang mga karakter sa blog na ito ay pawang kathang isip lamang